May 19, 2009

Purihin Ang Dios!

Sa Dios na Dakila
na walang katulad
sapat ang Pag-ibig
tapat kung maawa

Walang Ibang Dios,
walang gaya Niya,
Buhok mo ay bilang,
Ikaw na nilalang.

Sa langit na malawak
matatarik na bundok
kalalimang 'di maisip
Dios ang nakatatalos

Nagtakda ng sandali
darating ang panahon
kung iyong nalalaman
Sagot ay makakamtan

Hindi man maaarok
Ni masambitla ng bibig
sa isang pusong laman
Mayroong kapahingahan.

0 comments: