February 16, 2009

Marka mo'y uriin

Kunin mo ang karunungan,
ikuwintas sa leeg sa isipa'y itanim,
pati rin ang disiplina at ang pang-unawa,
Nang iyong mamalas ang hiwaga.

Bilhin mo ang katotohan, huwag ipagbili-
pakanin mo ang iyong kaaway,
painumin mo rin kahit pinipighati,
upang ang kaluluwa sa Dios ay mabuhay,

Kung bibili ng lupa mula sa kababayan,
huwag mo siyang lalamangan,
padaya ka kung kinakailangan -
mabubuhay ka ng malaon at matagal.

Taliwas doon sa bayan ng patotot,
Hayun pagmasdan mga anak na babae
pagmasdan mo ang sa kanila'y pumupuspos
taglay 'di buhay, kundi sa patay.

Sa kanang kamay nila, marka ay tingnan,
sa noo'y kinintal pawang kasinungalingan.
Sila'y yumayaman dahil sa kaluluwa
ng mga taong tumiwala ay kinakalakal.

Darating ang araw sila ay tatangis,
ang kanilang tinipon ay hindi sa langit.
Sama-sama silang malilibing diyan
sa hirap at pait, hukay na kay lalim.

Ikaw naman ay may mga luhang papahirin
Wala ng gabi, sa iyong nagpakita ng habag
kawanggawang may pag-ibig, mga tinipon
ay aanihin sa kay Jesu-Kristong panahon.

0 comments: