March 07, 2007

Buhok na panakip

Click for English version


1 Cor 11:




1Tumulad kayo sa akin gaya ko na tumulad din kay Cristo.

2Mga kapatid, pinupuri ko kayo na sa lahat ng mga bagay ay naalala ninyo ako.
Sinusunod din ninyo ang mga kaugalian ayon sa pagkakatagubilin ko sa inyo.




3Ibig kong malaman ninyo na ang pangulo ng bawat lalaki ay si Cristo. Ang pangulo ng bawat babae ay ang lalaki. Ang pangulo ni Cristo ay ang Diyos.




4Ang bawat lalaking nananalangin o naghahayag nang may takip ang ulo, ay nagbibigay ng kahihiyan sa kaniyang ulo.




Tandaan po natin ang banggit sa lalaki kapag naghahayag nang may takip ang ulo ay nagbibigay ng kahihiyan sa kaniyang ulo. (puwedeng lumundag sa bersikulo 14Hindi ba ang kalikasan na rin ang nagturo na kapag mahaba ang buhok ng lalaki, iyon ay kasiraang dangal sa kaniya?)




5Ang bawat babaeng nananalangin at naghahayag nang walang panakip ng ulo ay nagbibigay ng kahihiyan sa kaniyang ulo. Ang walang panakip ng ulo ng babae ay tulad na rin ng inahitan ng buhok.




'Yung babaeng hindi kilala ang Dios, mapa-may-asawa man o wala, naiinis sila kapag sobrang haba ng buhok kaya nagpapagupit, ang iba nagpapakalbo. Karamihan sa mga babaeng ganiyan ayaw mapagsasabihan. Napansin ko nga na ginagawa nilang ander de saya ang kani-kanilang asawa, o ang lalaki.




Ang sabi sa talata, ang walang panakip ng ulo ng babae ay tulad na rin ng inahitan ng buhok, kasi nga walang panakip kaya kapag walang panakip man o inahitan, ay nagbibigay ng kahihiyan sa kaniyang ulo. Kapag kalbo, walang panakip. Ano ba ang panakip sa ulo kung hindi inahit? Ang sagot ay buhok. Ang buhok ay may sinisimbulo. Ituloy po natin ang basa.




6Ito ay sapagkat kung ang babae ay walang panakip ng ulo, magpagupit na rin siya. Ngunit kung kahihiyan para sa babae ang siya ay magpagupit o magpaahit, maglagay na lang siya ng panakip ng ulo. (puwedeng lumundag sa bersikulo 15Ngunit sa babae, kung mahaba ang buhok niya, iyon ay kaluwalhatian sa kaniya sapagkat ang mahabang buhok ay ibinigay sa kaniya bilang panakip).




Ang sabi sa talata 5...ang babae na walang panakip ng ulo ay para na ring inahitan o pinakalbo at ang kalalabasan ay magbibigay sa kaniya ng kahihiyan. Sa talatang 6, sinasabi na kung ang babae ay walang panakip ng ulo, magpagupit na rin siya. Ipinakita ang pagtutulad na ang inahitan at ginupitan ay magkatulad lang ng kalagayan, dahil pagupit man o paahit, mananatiling walang panakip ang ulo. Ngayon kung kahiya-hiya ang magpapagupit ang babae o magpapaahit, maglagay na lang ng panakip ng ulo.




Kapag ang babae ay nagpaahit o nagpagupit ng buhok, kahit pa maglagay ng panakip ng ulo ('yung artificial na panakip ng ulo), mananatili pa rin siyang kalbo o nagpagupit at mananatili pa rin siyang kahiya-hiya.




Kung hindi magpapaahit o magpapakalbo, ano ang gagawin ng babae? Hayaan niya ang buhok niyang humaba, huwag galawin. Madalas manalangin ang mga babaeng Kristiyano. Kapag artificial na panakip ang susundin natin, paano kung mawala ang artificial na panakip ng ulo? Hindi na ba sila makakapanalangin? Paano na ang mga babae sa africa? Ni pambili nga ng pagkain wala sila, artificial na panakip ng ulo pa kaya?




Ngayon, kung mahaba ang buhok ng ulo ng babae na hindi ginupitan, kahiya-hiya ba siya kung walang artificial na panakip ng ulo?




Kung sa tingin ninyo na hindi buhok ang panakip, basahin natin ang susunod na talata. Pero bago iyon magsasalita ako bilang lalaki.




Bilang lalaki, nagpapagupit ako ng buhok. Puwede rin akong magpakalbo o magpaahit ng ulo (pareho lang 'yun walang matitirang buhok na makikita, pero kung makapal ang buhok mo, maitim ang bumbunan kasi may ugat pa ang buhok na maitim).




Kapag hindi ko pinutol o pinakalbo, hahaba ang buhok ko. Kahihihiya naman kung hahayaan kong humaba hanggang sa huminto ito ayon sa naturalesa o katalagahan ng paghaba, lalo na kung ang naturalesa ng buhok ko ay hanggang puwet, halimbawa.




Kung ang kaya lang ng buhok ko ay humaba hanggang batok at hinayaan ko, hinayaan ko na ang naturalesa kaya mahaba ito kumpara kung ginupitan hanggang tenga.




Kaya para labagin ang naturalesa, imbes na hayaan ang buhok ko hanggang batok, papagupit ko hanggang tenga na lang.




Kung hindi ko gugupitin ang buhok at umabot sa bewang tapos huminto na sa pagtubo, hanggang doon na lang ang naturalesa o katalagahan. Para labagin ko ang naturalesa papagupit ko hanggang tenga.




Kung gugupitin ko ang buhok ko, maiksi na ito. Kung kakalbuhin ko, maiksi na rin gaya ng ginupitan ko. Hindi nga lang magsinghaba, kasi kapag kalbo, ang buhok hindi na nakausli, pero may ugat pa rin, kaya kung ikukumpara sa ginupitan, parehong may buhok, hindi nga lang kita kapag kalbo.




Dahil lalaki ako, kung papagupit ako hanggang braso, magmumukha akong babae, kasi nga karaniwan sa babae lagpas leeg ang buhok ayon sa naturalesa. Maliban na lang kung kalbo na talaga, bahala na ang Dios, bilang nga niya ang dami niyon.




7Ito ay sapagkat ang lalaki ay hindi na dapat magtakip ng ulo dahil ito ang wangis at kaluwalhatian ng Diyos. Ang babae ay ang kaluwalhatian ng lalaki.




Makikita na ang lalaki ay magpapagupit o mag-aahit ng ulo dahil kung hindi, hahaba ang buhok niya. Kapag humaba at hindi gugupitan o aahitan, magkakaroon ng takip ang ulo niya.




Sinisimbulo ng lalaki na mayroong maiksing buhok na siya ay lalaki na may wangis at kaluwalhatian ng Dios at siya ay nagpapasakop kay Cristo.




Ang mahabang buhok ng babae ay masasabing mahaba ayon sa naturalesa dahil hindi inahit at hindi rin pinutulan. Ang babae ay ang kaluwalhatian ng lalaki. Ang babaeng binanggit ay may mahabang buhok na hindi ginupitan, hindi lumabag sa naturalesa o katalagahan.




8Ito ay sapagkat ang lalaki ay hindi nagmula sa babae. Ang babae ang siyang nagmula sa lalaki. 9Ito ay sapagkat ang lalaki ay hindi nilikha para sa babae kundi ang babae ay nilikha para sa lalaki. 10Dahil dito ang babae ay kailangan ding magkaroon ng kapangyarihan sa kaniyang ulo alang-alang sa mga anghel.




Ang babaeng may mahabang buhok sa ulo ay nilikha para sa lalaki. Ang babaeng may mahabang buhok ay may lalaking maiksi ang buhok sa ulo, at sila'y napapailalim sa kapangyarihan ng Dios. Kaya ang mga babae ay kailangang magkaroon ng kapangyarihan ng Dios sa kaniyang ulo alang-alang sa mga anghel.




11Magkagayunman, sa Panginoon ang lalaki ay hindi hiwalay sa babae at ang babae ay hindi hiwalay sa lalaki. 12Ito ay sapagkat ang babae ay nagmula sa lalaki, gayundin naman ang lalaki ay ipinanganganak ng babae. Ngunit ang lahat ng bagay ay nagmula sa Diyos.




Kaya ang lalaki na maiksi o kalbo at ang babaeng may mahabang buhok ay nagsisimbulo na pareho silang nasa ilalim ng kapangyarihan ni Cristo, at lalo na, sa Dios.




Ngayon ulitin natin, ano ang panakip sa ulo?:




13Kayo ang humatol. Nararapat ba sa isang babae ang manalangin sa Diyos nang walang lambong? 14Hindi ba ang kalikasan na rin ang nagturo na kapag mahaba ang buhok ng lalaki, iyon ay kasiraang dangal sa kaniya?




15Ngunit sa babae, kung mahaba ang buhok niya, iyon ay kaluwalhatian sa kaniya sapagkat ang mahabang buhok ay ibinigay sa kaniya bilang panakip.




Makinig ka Teng at ng mga kagaya mo, eto ang sabi ni Pablo:




16Kung may nagnanais makipagtalo patungkol sa bagay na ito, wala na kaming ibang kaugalian, maging ang mga iglesiya ng Diyos.




Hindi naman basta malalalaman ng ibang tao kung hanggang saan aabot ang buhok ng babae maliban na kung oobserbahan ang pagtubo sa ilang panahon, kapag hindi gugupitan.




Sa mga kapatid na babae, nakakita na ako ng matagal ng nagpapahaba ng buhok pero hanggang bewang lang, kasi nalalagas ang buhok niya kapag umabot na sa bewang. Yung mga bagong tubo, hahaba ulit 'yun at pag-abot sa bewang nalalagas na ulit.




Ang ibang kapatid na babae naman ay hanggang paa, pagkatapos, nalalagas rin ang ibang hibla, pero may papalit uling buhok.




Dati nga noong hindi pa ako umaanib sa Iglesia ng Dios na binabanggit ni Pablo, kahit lalaki ako, nagpapahaba ako ng buhok pero nakakainip. Sa loob ng isang buwan, hanggang ilong ko lang ang haba nito at parang hindi na humahaba, kaya nagpapagupit na lang ako.




Kung itutuloy ang pagbasa sa talata, makikitang ang pagtitipun-tipon sa iglesiya ay gaya ng kaugalian na itinuro tungkol sa buhok. At ito ay itinuro sa iglesia na nasasakop ng Dios. May mga pangkat nga sa loob na nagtuturo ng iba sa itinuro ni Pablo:




17Ngayon, sa sasabihin ko, hindi ko kayo pinupuri sapagkat ang pagtitipon ninyo ay hindi para sa ikabubuti kundi sa lalong ikasasama. 18Ito ay sapagkat una sa lahat, sa pagtitipun-tipon ninyo sa iglesiya, naririnig ko na may pagkakampi-kampi sa inyo. Naniniwala ako na maaaring ito ay totoo. 19Ito ay sapagkat kinakailangang mahayag ang pangkat na nagtuturo ng mga kamalian na nasa inyo nang sa gayon ay mahayag ang mga katanggap-tangap sa Diyos. 20Sa pagtitipon ninyo sa isang dako, hindi kayo nagtitipon upang kumain ng hapunan ng Panginoon. 21Ito ay sapagkat sa inyong pagkain, ang bawat isa ay kumakain ng kani-kaniyang hapunan nang una sa iba. Kaya ang isa ay gutom at ang isa ay lasing. 22Hindi ba mayroon kayong mga bahay upang doon kumain at uminom? O baka naman hinahamak ninyo ang iglesiya ng Diyos at ipinapahiya ang mga walang pagkain? Ano ang dapat kong sabihin? Pupurihin ko ba kayo sa ganito? Hindi ko kayo pupurihin.




May bahay kung saan itinuturo ang mga aral na dapat sundin, gaya ng tradisiyon. Sino ang mga walang pagkain, sino ang nasa bahay, sinu-sino ang lasing at gutom? Hindi baga isang walang kabuluhan ang pagsunod ng wala sa pananampalataya? Sino ba ang dapat magpahaba ng buhok? Ang nasa labas ng bahay? Sinu-sino ba ang lasing? Sila ba ang nagtuturo ngunit wala namang alam? Sino ba ang gutom? Sila ba ang nasa loob ng bahay? Hindi ko sasagutin ito dahil ako'y maghihintay ng kasagutan mula sa Panginoon sa pamamagitan ng pakikinig ng salita ng Dios.




Ano ang banggit ni Pablo tungkol sa mga itinuro niya?:




23Ito ay sapagkat tinanggap ko mula sa Panginoon ang siya ko namang ibinibigay sa inyo. Ang Panginoong Jesus, nang gabing siya ay ipinagkanulo, ay kumuha ng tinapay. 24Pagkatapos niyang magpasalamat, pinagputul-putol niya ito, at sinabi: Kunin ninyo, kainin ninyo, ito ang aking katawan na pinagputul-putol para sa inyo. Gawin ninyo ito sa pag-alaala sa akin. 25Sa gayunding paraan kinuha niya ang saro pagkatapos maghapunan. Sinabi niya: Ang sarong ito ay ang bagong tipan sa aking dugo. Sa tuwing kayo ay iinom nito, gawin ninyo ito sa pag-alaala sa akin. 26Ito ay sapagkat sa tuwing kakain kayo ng tinapay na ito at iinom sa sarong ito, inihahayag ninyo ang kamatayan ng Panginoon hanggang sa siya ay dumating.




27Ang sinumang kumain ng tinapay at uminom sa saro ng hindi nararapat ay nagkakasala sa katawan at dugo ng Panginoon. 28Ngunit suriin muna ng tao ang kaniyang sarili. Pagkatapos hayaan siyang kumain ng tinapay at uminom sa saro. 29Ito ay sapagkat siya na kumakain at umiinom nang hindi karapat-dapat ay kumakain at umiinom ng kahatulan sa kaniyang sarili. Hindi niya kinikilala nang tama ang katawan ng Panginoon. 30Dahil dito marami sa inyo ang mahihina at may karamdaman at marami ang natulog na. 31Ito ay sapagkat hindi tayo hahatulan kung hahatulan natin ang ating mga sarili. 32Kung tayo ay hinahatulan, tayo ay tinuturuan upang hindi tayo mahatulang kasama ng sanlibutan.




BUHOK PO ANG PANTAKIP SA ULO. Pero may mas malalim pang aral ang nabanggit na utos, kaya kailangan sumunod muna po tayong magkakapatid upang matupad ang hula. Huwag tayong makinig sa mga taga labas ng tungkol sa aral. May bahay po tayong pinagsasamasamahan, at doon tayo matututo ng aral. Anong karapatan ng tagalabas na ipahayag ang tungkol sa doktrina ng buhok? Dios na ang bahalang humatol sa kanilang sinusunod, ngunit tayo, alam nating ang ating susundin. Hihintayin ko na lang si Brother Eliseo Soriano na maghayag ng katotohan ng Dios tungkol dito, ayon sa Biblia. Ang katotohanan ng Dios, nawa'y lalong magliwanag sa mga kapatid na nakakakita na ngayon.




Click LINK for more



A Poem (Isang Tula)






Ang Lambong na Panakip


Kapatid na babae, buhok ay pahabain,
itirintas ng mabuti, pangalagaan, patibayin:
gaya ng may panaling tatlong ikid,
sa loob ng ating mga pagsasama-sama.
Huwag itong puputulin, sa kasalana'y pantakip,
upang Kaniyang lilimutin at tayo'y patatawarin.
Ang kalooban ng Ama sa Iglesia ay sasagana.
Sa ating pagsunod at pagkakaisa, maririnig Niya,
ang mga panalangin, samo, hiling at daing.
Mga anghel na nagbabantay, sa atin mangatututo.
Sa pagsaksi sa atin, magiging matalimahin,
At sila'y mangaliligtas naman din.
Kapatid na lalaki sumunod din naman,
umiwas na ang ulo ay malambungan,
sa noo'y di makintal, pawang kasinungalinan.
Huwag hahadlangang sumagana ang karunungan
upang ang bayan ay tumalino sa araw-araw.
At lilitaw ang wangis at kaluwalhatian ng Dios
sa Kaniyang Iglesia, at doon tayo ay sasamahan
ng Espiritung banal; Si Kristo Jesus ang pangulo.
Sa lahat ang Ama'y mangingibabaw: sa Kanya, karangalan.

(on or before July 11, 2007)

Though I am gay, I found the wife of Jesus Christ - a wife where I am affiliated with, a body where I am a part of: the Church of God.

Proverbs 19:14 Houses and wealth are inherited from parents, but a prudent
wife is from the LORD
.

March 02, 2007

They merchandise the word of God

I noticed, as I browse from one blog to another, there are blogs where preachers rumble about their views of the Word of God, exchanges of scriptural idealism based on their own understanding. I noticed too that some preachers are authors and they formed a circle of friends through blogs and advertise to each other their merchandise by giving comments to each other. What do you think is their merchandise? They are selling their books about the gospel. It contains their point of view about the gospel!

On the blogs, some allow comments from the outside of the circle, but some would really delete your comment if you say otherwise. You can try to look at other religious blogs, as they think of themselves, and try to determine if what I said is true otherwise, you can place your comments below.

2 Corinthians 2:14-17 But thanks be to God, who always leads us in triumphal procession in Christ and through us spreads everywhere the fragrance of the knowledge of him. For we are to God the aroma of Christ among those who are being saved and those who are perishing. To the one we are the smell of death; to the other, the fragrance of life. And who is equal to such a task? Unlike so many, we do not peddle the word of God for profit. On the contrary, in Christ we speak before God with sincerity, like men sent from God

But how about the aroma that these peddlers spreads? They stink for those who understands the Truth:

Ecclesiastes 10:1-3
1 As dead flies give perfume a bad smell, so a little folly outweighs wisdom and honor.
2 The heart of the wise inclines to the right, but the heart of the fool to the left.
3 Even as he walks along the road, the fool lacks sense and shows everyone how stupid he is.

Imagine, these peddlers does not only write a little folly but a whole book or more! But time will come that they shall weep, not because they received the judgement for their folly but because no one buys their merchandise.

Revelation 18:11-13,19
the merchants of the earth weep and mourn for her, since no one buys their cargo anymore, 12cargo of gold, silver, jewels, pearls, fine linen, purple cloth, silk, scarlet cloth, all kinds of scented wood, all kinds of articles of ivory, all kinds of articles of costly wood, bronze, iron and marble, 13cinnamon, spice, incense, myrrh, frankincense, wine, oil, fine flour, wheat, cattle and sheep, horses and chariots, and slaves, that is, human souls. 19And they threw dust on their heads as they wept and mourned, crying out, "Alas, alas, for the great city where all who had ships at sea grew rich by her wealth!For in a single hour she has been laid waste. 20Rejoice over her, O heaven, and you saints and apostles and prophets,for God has given judgment for you against her!"

Their hearts were hardened already. But do we really need only to believe and once saved always save? Let us hear what Apostle Paul said:

Romans 11:7...
7What then? Israel failed to obtain what it was seeking. The elect obtained it, but the rest were hardened, 8as it is written, "God gave them a spirit of stupor, eyes that would not see and ears that would not hear,down to this very day."
9And David says, "Let their table become a snare and a trap, a stumbling block and a retribution for them; 10let their eyes be darkened so that they cannot see, and bend their backs forever."

13Now I am speaking to you Gentiles. Inasmuch then as I am an apostle to the Gentiles, I magnify my ministry 14in order somehow to make my fellow Jews jealous, and thus save some of them. 20That is true. They were broken off because of their unbelief, but you stand fast through faith. So do not become proud, but stand in awe. 25Lest you be wise in your own conceits, I want you to understand this mystery, brothers a partial hardening has come upon Israel, until the fullness of the Gentiles has come in. 30Just as you were at one time disobedient to God but now have received mercy because of their disobedience, 31so they too have now been disobedient in order that by the mercy shown to you they also may now receive mercy. 32For God has consigned all to disobedience, that he may have mercy on all.

33Oh, the depth of the riches and wisdom and knowledge of God! How unsearchable are his judgments and how inscrutable his ways!
34"For who has known the mind of the Lord, or who has been his counselor?" 35"Or who has given a gift to him that he might be repaid?"

Romans 10:
12For there is no difference between Jew and Gentile—the same Lord is Lord of all and richly blesses all who call on him, 13for, "Everyone who calls on the name of the Lord will be saved."

14How, then, can they call on the one they have not believed in? And how can they believe in the one of whom they have not heard? And how can they hear without someone preaching to them? 15And how can they preach unless they are sent? As it is written, "How beautiful are the feet of those who bring good news!"
16But not all the Israelites accepted the good news. For Isaiah says, "Lord, who has believed our message?" 17Consequently, faith comes from hearing the message, and the message is heard through the word of Christ. 18But I ask: Did they not hear? Of course they did: "Their voice has gone out into all the earth, their words to the ends of the world." 19Again I ask: Did Israel not understand? First, Moses says, "I will make you envious by those who are not a nation; I will make you angry by a nation that has no understanding." 20And Isaiah boldly says, "I was found by those who did not seek me; I revealed myself to those who did not ask for me."

Jesus said in Luke 21:32-36, I tell you the truth, this generation will certainly not pass away until all these things have happened. Heaven and earth will pass away, but my words will never pass away. Be careful, or your hearts will be weighed down with dissipation, drunkenness and the anxieties of life, and that day will close on you unexpectedly like a trap. For it will come upon all those who live on the face of the whole earth. Be always on the watch, and pray that you may be able to escape all that is about to happen, and that you may be able to stand before the Son of Man.

Click LINK for more