January 10, 2007

buntonghininga

kamusta ka na Bro Eli, sa malayo?
na di man lang maamoy
ang iyong unan, na dati'y
kayakap mo sa pagtulog

ito'y nausal minsan,
habang ako'y paikut-ikot
sa higaan, sa ilalim
ng isang gabing maalinsangan

lalo na't kung ang tagaktak
ng pawis sa likuran ay naiipong
gaya ng iyong mga luha't sakit
na tiniis para sa mga naliligaw, at kapatid

sa aking pagpikit, luha'y dumaloy,
naisip ang lubhang pagmamahal
ni Jesus sa atin, nasaksihan ko
sa iyong buhay, kamusta ka na kaya?

sandigan

Bro Daniel,

kahit na subuking bingihin
ng kulog,
kapag ito'y dumagundong
at laging salantahin
ng bagyo,
sa kaniyang paglusob

mananatiling matatag
ang mga tuhod
nitong matalino
na nakasalig
sa malaking Bato

dahil Ang Maykapal,
Siya'ng Matibay na Batong Saligan
at Siya'ng Maylikha
ng kulog,
ng bagyo

pagpipigil

kapatid,
gaya ng makahiya,
na tumitiklop
sa bawat gawang
pagdampi,
paggalaw,
paggulo

may tinik tayo
na taglay,
hindi upang
gumanti doon sa
dumampi,
gumalaw,
gumulo

kundi'y bawat isa
ay may bantay,
angel na mag-aadya
laban sa
dadampi,
gagalaw,
gugulo

pasalamat

ulap, nahawi -
kampana ng simbahan,
walang kalembang

mabangong samyo -
awit na makalangit,
isang sabado

haiku

a day of rest

during Saturdays -
holy kiss flies to and fro,
children of God sings

Divine eyes watches,
silver churchbells are silent -
feast in Apalit

haiku 3