December 05, 2007

Ang Mabuting Babae

Isang katanungan sa isip bumabagabag,
Tungkol sa kasariang aking taglay.
Batid man ang dahil, ako’y nagugulumihanan
Sa landasing tinatahak nitong pagkataong labas.
Pinipilit nga’ng magpaka-bating nitong tulad ko,
Naglalayong makamit ang kaharian ng langit.
Kaya, hindi rin hinayaan ng Maykapal
Na ako’y malumbay sa katanungang taglay.
Aking narinig, tabak na may dalawang talas
At nabasa rin sa pagitan ng mga titik:
“Huwag kang maging mapait anak kong ginigiliw,
Tingnan mo ang Iglesiang Akin
Na sa iyong kalagayan, malinaw na larawan.“
Ang aking diwa at pag-iisip na ngayo'y taglay
Ay sa isang babae na siyang aral na dalisay,
Ito’y natago sa puso at ngayo’y lumiliwanag.
Matimtiman ako sa bawat kilos at pananalita,
Nguni’t sa giyera ng espiritu’y nagpapakalalaki!
Iglesia’y babae rin at ako’y kasangkap,
Birheng nalalaan nga sa araw ng Hari.
Kaya ikaw na bumabasa, kung nasa labas ka pa,
Halina’t makinig, tumanggap, sumanib
Dahil mapalad ka kung magiging kapatid.
Nakasumpong ka na ng mabuting bagay
Magtatamo pati na ng lingap ng Panginooon.
Mga bagay sa sanlibutan ay namamana,
Ang mabait na asawa sa Panginoon naman mula.
Si Criso-Jesus ang ulo ng Iglesia ng Dios, kaya nga sinabi niya
"Sapagka't sinomang nakakasumpong sa akin,
nakakasumpong ng buhay.
At magtatamo ng lingap ng Panginoon"
Sa Mga Kawikaan treinta’ y uno at uno patuloy
Gawain ng Iglesia iyong matatanto, makikita -
Maraming sangkap na sama-sama at nagkakaisa.

0 comments: