November 11, 2007

Awit ng umiibig

Awit ng Pag-ibig
Giliw kong Hesus,
labis akong nasasabik
sa muli Mong pagbabalik.
Kapatid kong, sa aki'y unang umibig,
sa Ama'y ipinanhik,
ang mga lumbay ko't hibik.
Masaya ako sa bawat pighati
dahil alam kong ito'y kasama sa aking landasin
na ating tinatahak tungo sa ating tagpuan.
Mahal kita, Hesu-Kristo,
ang sulat Mong iniwan
lakip ko't kipkip sa puso at isip.
Madalas akong nalulumbay, Sinta ko.
Ngunit nalalaman kong Ika'y naririyan
at ang malapit Mo nang pagbabalik.
Hihintayin kita Kapatid at Sinta
upang sa huli't sa una'y makita ng mukhaan
pati na ang Ama.
Click LINK for more

0 comments: