sa aking mga kapatid
Sagot kay Gabriel
ang paraiso'y
pipiliting maabot
sa dapi't hapon
ang luha't hapis
gaya ng baha't ulan
sa magdamag nga
ay tutuyuin
ng liwanag mula sa Dios
sa buong araw,
at papahirin
ng Kanyang pagsinta na
'di mapaparam
sa gawang banal
pupuri at sasamba,
sa piling Niya
ang tanging hiling,
kasama kita kapatid
habang panahon
11feb2007 haiku

0 comments:
Post a Comment