January 10, 2007

buntonghininga

kamusta ka na Bro Eli, sa malayo?
na di man lang maamoy
ang iyong unan, na dati'y
kayakap mo sa pagtulog

ito'y nausal minsan,
habang ako'y paikut-ikot
sa higaan, sa ilalim
ng isang gabing maalinsangan

lalo na't kung ang tagaktak
ng pawis sa likuran ay naiipong
gaya ng iyong mga luha't sakit
na tiniis para sa mga naliligaw, at kapatid

sa aking pagpikit, luha'y dumaloy,
naisip ang lubhang pagmamahal
ni Jesus sa atin, nasaksihan ko
sa iyong buhay, kamusta ka na kaya?

0 comments: